Thursday, July 14, 2016
Panatag
I lay down on the ocean bed
It was calm
It was rest
It was not
I surpassed the apostle's plea
Five times and more
I pleaded my cause
"Take this away"
I say pain
You say purification
I say repugnance
You say refinement
I cry, 'til when?'
You whisper, 'til always'
I, nothing to say
5/30/2016
3:40PM
Friday, May 27, 2016
Sa Higit Dalawampu't Milyon at Tatlong Bituin, Ikaw
Mahilig ka rin pala sa mga bituin
Hindi tuloy ako makapaghintay na makasama ka
Sabay natin silang bibilangin
hanggang sa umabot tayo sa dalawampung milyon at isa,
dalawampung milyon at dalawa,
dalawampung milyon at tatlo
At sa malalapad na mga ulap mahihiga tayo
Doon itutuloy natin ang pagbibilang
Hanggang sa mag-uumaga na't hindi pa rin tapos ang ating mga kwento
Ihuhuli mo ko ng isang bituing patitirahin mo sa'yong mga kamay
Tila isang alitaptap na unang beses naging masaya sa kanyang pagkakadakip
Napabulong ako sa aking sarili
Sabi ko, gusto ko maging ganyan
Hindi sa gusto kong maging bituin
O sa kagustuhang maging isang alitaptap, hindi!
Gusto kong dakpin mo ko
Na sa sobrang higpit
May kasiguraduhan akong sa'yo
mas makakahinga pa rin ako
Habang tinititigan natin ang mga bituing nilalamon na ng buntot ng ulap na ating pinaghigaan
Hihilingin kong ikwento mo naman sa'kin ang mga araw na naghintay ka
May ibubulong ka sa akin at sasagot akong
Talaga? Tinititigan mo lang ako nung mga panahong 'yun?
Mga panahong, iniisip ko na kaya ko na ng mag-isa
Kaya ko naman na ako lang mag-isa.
Oo na! Hindi ko naman talaga kaya na ako lang mag-isa
Kaya nga ngayon magkasama tayong dalawa
Kahit hindi ako naging tapat
Sinabi mong ang pagmamahal mo naman ay sapat
Lalamunin ng mga ulap ang mga bituing kinasisiyahan kong pagmasdan
Lalamunin ng araw ang gabing madalas kong titigan
Ngunit ikaw, mananatili
Dito ko napatunayan, higit pa sa kislap ng dalawampung milyon at tatlong bituin
Ang ikinubli mong pagmamahal para sa akin
Pagkatapos nito Bigla mong inamin
Tinititigan mo lang ako noon dahil alam mong makikita rin kita
At dahil matagal na pala tayong magkakilala
04/02/2016
1:50AM
Hindi tuloy ako makapaghintay na makasama ka
Sabay natin silang bibilangin
hanggang sa umabot tayo sa dalawampung milyon at isa,
dalawampung milyon at dalawa,
dalawampung milyon at tatlo
At sa malalapad na mga ulap mahihiga tayo
Doon itutuloy natin ang pagbibilang
Hanggang sa mag-uumaga na't hindi pa rin tapos ang ating mga kwento
Ihuhuli mo ko ng isang bituing patitirahin mo sa'yong mga kamay
Tila isang alitaptap na unang beses naging masaya sa kanyang pagkakadakip
Napabulong ako sa aking sarili
Sabi ko, gusto ko maging ganyan
Hindi sa gusto kong maging bituin
O sa kagustuhang maging isang alitaptap, hindi!
Gusto kong dakpin mo ko
Na sa sobrang higpit
May kasiguraduhan akong sa'yo
mas makakahinga pa rin ako
Habang tinititigan natin ang mga bituing nilalamon na ng buntot ng ulap na ating pinaghigaan
Hihilingin kong ikwento mo naman sa'kin ang mga araw na naghintay ka
May ibubulong ka sa akin at sasagot akong
Talaga? Tinititigan mo lang ako nung mga panahong 'yun?
Mga panahong, iniisip ko na kaya ko na ng mag-isa
Kaya ko naman na ako lang mag-isa.
Oo na! Hindi ko naman talaga kaya na ako lang mag-isa
Kaya nga ngayon magkasama tayong dalawa
Kahit hindi ako naging tapat
Sinabi mong ang pagmamahal mo naman ay sapat
Lalamunin ng mga ulap ang mga bituing kinasisiyahan kong pagmasdan
Lalamunin ng araw ang gabing madalas kong titigan
Ngunit ikaw, mananatili
Dito ko napatunayan, higit pa sa kislap ng dalawampung milyon at tatlong bituin
Ang ikinubli mong pagmamahal para sa akin
Pagkatapos nito Bigla mong inamin
Tinititigan mo lang ako noon dahil alam mong makikita rin kita
At dahil matagal na pala tayong magkakilala
04/02/2016
1:50AM
Friday, March 18, 2016
Nang Malimutan Managinip ni Panaginip
Nang Malimutan Managinip ni Panaginip
Para sa’yong nagpakilala sa’kin
sa mga bilabila,
Kung nakakapagsalita ang mga
pader ng ‘yong kwarto
Kung mahimlay ka’y bitiwan man
ng kama
Sa pagod nang ‘yong pinaulit
ulit na tanong
Hindi ako magsasawa
Dalawampung libo’t labing dalawa
Dalawampung libo’t labing isa
Tuwing kausap ka, bumabalik ako
sa mga taong pinilit limutin ng alaala
Sa pagkakataong tanungin mo
kumusta ako
Sasagutin kitang mabuti sa
biyaya ng Diyos
Kung matapos ang ilang minuto’t
tanungin mo ulit kumusta ako
‘Wag kang mag-alala
Hindi ko pagsasawaang sagutin
kang mabuting mabuti sa awa ng Diyos
Kung tanungin mo man kung ilang
taon ako, sasagutin kita nang matapat
Sa saglit na pagkakataong
malimutan mong tinanong mo ‘ko
‘Wag kang mag-alala
Babalik rin ako sa kung paano mo
naaalalang ako’y labing apat
Kung tatango ka ngayon at
hihindi mamaya
Kung nagagalak ka ngayon at
maluluha mamaya
‘Wag kang mag-alala
Hindi ako magsasawang ulit
ulitin mga tawa’t iyak na iilang minuto ko lang ginawa
Kung puro sakit ang natatandaan
mo sa tayo
Masakit mang ang nakaraang taon
ang pinili ni panaginip na alisin sa’yong kasalukuyan
‘Wag kang mag-alala
Dahil hindi ko gustong magsawa
ikwento sa’yo
Paulit-ulit man
Na naging masaya ang tayo na
‘yong iniwan
Hindi pala ikaw ang
nang-iwan
Ikaw ang iniwan ng bago mong
alaala
Ngunit ‘wag kang mag-alala
Mamahalin pa rin kita higit pa
sa kung paano ka minahal ng pinto ng ospital
Na araw gabi’y sa’yo nakadungaw
‘Wag kang mag-alala
Huhulma tayo ng mga bagong
alaala
kailanman ay di na maaangkin pa
O kaya’y ako rin ay pipikit at
mananaginip
Kikitain ka sa kasalukuyang
inangkin ni panaginip
Sige, aaminin ko sa’yo ang
totoo:
May mga sandaling naisip kong
sana’y ikaw pa rin ang dating ikaw
at tayo pa rin ang dating tayo
Ngunit kung malabo man sa malabo
at isip man ay nakalimot
‘Wag kang mag-alala
Tandaan mong puso’y di nilulumot
Ngayon mo lang sinabi,
Mga paruparo pala ang mga
bilabila
Saturday, March 12, 2016
Sa Wakas, Tayo. At Si Wakas
Sa Wakas, Tayo. At si Wakas Pinatawa ng mga tambalang may nakakakilig na kombinasyon Pagkakaibigang sinubok na ng thesis at mga production Na tila naging tagisan pa nga ng ating mga imahinasyon Ngunit sa dulo, iisa pa rin ang hinihingang rason: Ang makapasa Kahit gaano mo man gustong manatili Kailangan mong lumabas at alalahaning may wakas Ngunit bibigyan kita ng apat na dahilan upang mahalin si wakas Una, si wakas ay isang sisidlan ng mga alala Dito bigla mong naaalala mga panahong gabi na para sa'yo ang pag-uwi ng alas singko Ngunit pagtungtong sa kolehiyo Tila inumaga ang ipinagpaalam mong uwing maaga Dito una mong naranasan ang mabigo, sa kahihintay Sa kakaasa Na dadating pa siya E may 30 minute policy pala Ikaw ay makakalimot Ngunit si wakas ay magpapaalala Kung malimutan mo mang sabay nating sinulat sa apat na sulok nitong establishamento Mga pangarap ng apat na taon Sasabayan pa rin kita sa paglangoy Sa alaala ng mga kanta't tulang umikot sa ating mga dila Mga tinik sa gilid ng ating mga puso Na magpahanggang ngayon Ibinabalik ako sa kung paano tayo unang nagkakilala At papunta sa pangalawa Patuloy kang kukumustahin ni wakas Si wakas na inakala mong nagwakas Kukwestyunin ang itinayo mong lakas May tinik pa ba akong naiwan sa'yo? O ako na lang ang namimilipit sa hapdi ng 'yong paglisan Tinanong kita bakit nagbago Sinisi mo na naman kay wakas dahilan kung bakit ang tayong matagal kong pinanghawakan ay hindi ko na maintindihan Ngunit hihilingin kong ang pangatlo ay 'yong pakinggan Mahalin mo si wakas Si wakas na magtuturo sa'yong magpatawad Kung hindi sapat ang paglangoy upang ikaw ay balikan, sisisid ako. Sisisirin ko kahit gaano man kalalim 'yang iniwan kong hapdi o galos Upang ipaalala sa'yo Bakit mga puso'y pinagsama Mula apatnapu tayo'y pinag-isa Bumangon ka Si wakas na matagal mong sinisi sa'yong pagkawasak Bumubulong sa'yong magpatawad ka Pinaiyak ka ng mga nasirang pagkakaibigan Ngunit magpatawad ka At ang panghuli: Hinga Bibigyan ka ni wakas ng bagong hininga Ikaw ay iba Tayo'y pinagsama Ngunit tatahak sa mga pangarap ng kanya kanya Ikaw ay huminga S bagong estrema 'wag kang magpadala Wala mang kasiguraduhang maalala mo pa, mga tawa't iyak na ating pinagsamahan, Ito na lang ang 'yong tandaan Baunin sa'yong bagong sisisiran 'Wag kalilimutan Hinga
Friday, March 4, 2016
Ng Una
Iba pa rin ang pakiramdam ng unang pagpanhik
Ng unang paglipad
Ng unang pagsisid
Ng unang pagmamahal
Kung mawala ang mga puno sa kabulubundukan
sabihin mo paano ko pa tatawagin silang bundok?
Kung mawalan ng pakpak ang mga ibon sa kalangitan
sabihin mo paano ko pa tatawagin silang ibon?
Kung mawawala ang tubig, ang alon sa karagatan
sabihin mo paano ko pa tatawagin 'tong karagatan?
Tulad ng kung paano ko pa tatawaging ako si ako
kung mawawala ka rin naman
Gusto kong balikbalikan
ang unang beses na nagsaboy ka ng asin dito sa aking kalamnan
Kung paano mo sinabing kaya ko na
kahit sa bawat pagtapak ay nadadapa pa
Bawat lamat at sugat hindi ko ipinakita
Ngunit binulong mo, sa aking pagkakatanda
Na ang 'yong pag-ibig ay walang ikinahihiya
Naalala mo ba ang 'yong pangako
Na sa pagpanhik ko bibigyan mo ako ng mga paa tulad ng sa usa
Pakpak tulad ng sa agila
Oo, lahat 'yon binigay mo
Pero 'di mo naman sinabing para 'yun sa mas matataas pang bundok
Na tila dito sa mga paa tumutusok
Sa binigay mong mga pakpak sumuksok
ang lamig, ang sakit, ang hapdi ng mga pag-akyat na ako lang mag-isa
Mga pagbabang iniisip kung babalik ka pa
Pero bago ka nanahimik, naalala ko binulong mo,
May mga bundok na aakyatin nating magkasama
Pero may mga laban na gusto mong harapin kong mag-isa
Sabi mo pa, hindi mo naman ako iiwan
Gusto mo lang akong makitang lumalaban
At ngayon dito sa bagong pagpanhik
Wala pa ako sa tuktok
Ngunit habang pawis ay humahalik
Dito sa bagong bundok
Aabangan ko pa rin ang 'yong muling pagbulong
Maghihitay ako hindi dahil maghihintay ka
Maghihintay ako dahil naghintay ka
Matagal mo na akong hinintay at kinatagpo
Matagal tagal na rin akong nawala't nagtago
Ngunit ikaw hindi nagababago
Kita pa rin sa'yong mga bisig, ang marka ng kung paano mo ako sinagip
sa aking unang pagkakahulog
At sa aking muling pagdunog,
Ito ang aking napatunayan:
Kung mawala ang dagat ng ulap sa kabulubundukan
Kung mawalan ng balahibo ang ibon sa kalangitan
Kung mawalan ng kulay ang tubig alat sa karagatan
'Wag kang mag-alala dahil tatawagin ko pa rin sila kung ano sila
Dahil ako, kahit ilang beses akong mawala
Ilang beses man akong madapa
Paulit-ulit mo pa rin akong binabalikan
Tinatawag pa rin ako sa aking pangalan
At ito ang aking napatunayan,
Na kahit mawala man lahat ng aking pakiramdam
Aalalahanin ko pa rin ang ating sumpaan
Mananatili pa rin ako,
aking Unang Pagmamahal
02/12/16
02/15/16
Saturday, January 23, 2016
Nang Magpanggap ang Eroplanong Siya'y Isang Tala
Hindi na ako hihingi sa'yo ng lakas
Hindi na ako sisigaw sa'yo ng saklolo
Ni kahit manigang itong lalamunan
Mamanhid man itong mga paa kalalakad sa nais puntahan
Hindi ako hihingi sa'yo ng kahit ano pa man.
Ilang beses na ba akong nalinlang ng eroplanong inakala kong tala
Inakalang liwanag na kayang magtagal sa alapaap
"May gumagalaw na tala," nilinlang na naman ako
Hindi kasi ako nagtanong
Matagal ko nang pinatay ang rason para magtanong
Ilang beses ko bang nakapanayam ang buwan
na inakalang maging ako'y kanyang sinusundan
Sinundan ko siya
Sinundan niya ako
Sinundan ko siya
Sinundan niya ako
Nilakad namin ang mundo
Napagod ako
Hindi naman niya sinabi
Matagal na niyang nililibot ang mundo kahit wala ako
Na may labing tatlong beses pa nga sa isang taon
Hindi na naman ako nagtanong
Nakakapagod
Hindi na ako hihingi sa'yo ng lakas
Hindi na ako sisigaw sa'yo ng saklolo
Ni kahit manigang itong lalamunan
Mamanhid man itong mga paa kalalakad sa nais puntahan
Hindi ako hihingi sa'yo ng kahit ano pa man
Dahil wala naman na
Wala na akong hihingin
Wala na akong isisigaw
Tigang na lalamunan
Manhid na mga paa
Ikaw ang patutunguhan
Ikaw ang hihingin
Ikaw ang isisigaw
Ikaw ang kailangan
Walang hihingin kung hindi ikaw
Walang itatanong
Kasagutan, matagal nang ikaw
01/16/16
2:42PM
Subscribe to:
Posts (Atom)

