Kalawang sa Pakpak
Sabi nila nakikita mo
Sa tingin ko hindi, ni anino
Kung oo, siguro malabo
Ano pang dahilan upang ako'y iyong masalo?

Nakita mo ba kung paano ako nanalo?
Paano natalo
Masakit, pero sabi mo bumangon ako
Saan nanggaling 'yon?

Naisip kong baka kailangan kong maging kwago
Magtatago sa mga punong malalago
Aabangan ka sakaling tuwing gabi ika'y nagbabago
Lilipad at hahanapin ka sakaling ika'y nasa kabilang mundo

Paano kung ako ang mawala sa paglipad
Sa ibang dimensyon ng mundo ako'y mapadpad
Lalanguyin mo ba ang karagatan upang ako'y matagpuan
o bibilangin ko muna mga natirang balahibo bago ako'y mapuntahan

Ako ay isang kwago
mabibilog na mga mata, maglalayag
Ako ay isang kwago
inaasahang makakita, bulag

10/30/14