Monday, December 22, 2014

Sulat Na Wala Sa Ampao



SULAT NA WALA SA AMPAO


Ilang beses ba itataya ang buhay ko?
Sa mga humaharurot na sasakyan ako'y akyat panaog
Sumilip ako, may laman ngunit hindi tao
Natakot siguro sa balat kong tila nasunog

Hindi mawari ang kanilang salita
Mga mukhang may sinasabi, may nakikita
Matalas na sinusuri ang aking hitsura
May iba ba sa aking pagkanta?

Paglingon ko sa kaliwa, pumikit ang iba
Pagtingin ko sa kanan, umiling ang karamihan
Ilang beses ko ba dapat gawin ito?
Ang piliting kumanta sa lugar na walang tao

Sisisid na lamang ba muli sa karagatang noon ay namalagi
Kung saan sa aming paniniwala kami ang nagmamay-ari
Maging kanta ng mga isda matining na maririnig
Mahihimlay sa sayaw ng tubig kahit manlamig

Di tulad ngayon, sa mga mata ng iba'y nalulunod
Paghinga'y pinipilit sa maitim na usok

Teka, makinig ka't may paparating
Pagbukas ng mga mata ko mula sa larong tagu-taguan
Sabihin mo
Tao na ba?


12/18/2014