Sunday, August 3, 2014

Sa Muling Pagbulong





Sa Muling Pagbulong




























Ninais kong lumangoy ngunit nawala ang tubig
Nanuyo ang  karagatan
Dumikit sa aking mga balat ang simoy ng natuyong alat
Mahapding naglakad ang mga paa patungo sa’yo







Hagkan mo naman ako
Bigla kang nanahimik, tila nawala
Sinaliksik, hinanap ko ang lagusan
Nagtatago ka ba?





Gusto kong hintayin ang mga sasabihin mo
Sa kabila ng panaghoy, hindi mabilang ang mga pangako
Isa isa natutupad. Oo, hanggang ngayon
Ngunit bakit ka nawala?





Makakalimutin na ba ako?
O nilimot mo na ako?
Bago matapos ang araw, umihip nang malakas ang hangin
Pinilas ang kalahati ng aking katawan




























Sumayaw ang aking utak sa saliw ng tugtugin
Naaalala ko na
Hindi mo ako iniwan
Imposible nga palang tumayo kung kalahati ka na lang.



08/02/14

2 comments: